puyat pero masaya!!!

hay…. ang saya ng mga hapenings sa buhay ko for the past 3 days, at ngayon din!!! at take note ala pa ako masyado tulog.. siguro sa loob ng tatlong araw mga 4 hrs plng.. dami ksi gawain sa butihing naming iskul.. organization week ksi, at bilang isang pinuno madaming trabaho ang na-atas sa akin upang gawin..(umikot lng eh)

masaya ako dahil may isang nilalang na nagpapasaya ng mga araw ko maski alang pahinga… ewan ko ba, inde ko naman pa sya ganun ka-kilala pra sabihin nting maging crush or love.. pag-pumapasok ako ng first class ko, palagi akong tulala or wala sa sarili, ksi nga puyat.. pero after ng first class ko pag labas ng pinto, bigla nlng ako matutuwa at babalik sa sariling katinuan pag nakita sya!!!! ewan ewan ewan ewan ewan kung baket ganun.. basta ngayon masaya ako nakilala ko sya, at medyo nagkakabiruan kmi.. a sign of gudthings ahead…

maganda rin kinalabasan ng org week, maski inde masyado prepared ang org namin, kumita naman kmi ng pera.. gumawa nlng kmi ng booth where you can request your favorite song for us to sing, sa halagang limang piso.. at ngayon, inaamin ko hirap kumita ng pera.. ala akong boses sa kakanta, at ala png limang daan ang nalikom namin.. but still MASAYA ako.. (ksi minsan andun din sya)

at kanina pumunta kmi ateneo.. we attended a choir convention.. grabe galing kumanta ng mga choirs na kasali.. ilang beses ako kinilabutan… and i am hoping na ma-relay ko sa chorale group namin ang mga na absorb ko dun, during the seminars… ksi isang basihan din iyon pra kami ay mag grow…. yun lng po… PATULUGIN NYO NA AKO… sisimba pa ako ng 7pm bukas… hehehe.. haba ng tulog ko ngayon…. god bless… think of GOD as you finish reading my entry.. tc..

Leave a Reply