Archive for January, 2006

kasabihan ni ynoh..

Wednesday, January 25th, 2006

mas masarap at masaya….

maging taong, takbuhan at sumbungan ng mahal mo….

kaysa sa taong inde alam …..

na nagbibigay na sya ng sakit at lungkot ….

sa nagmamahal sa knya…..

MaSaYanG MiNaLaS…

Wednesday, January 25th, 2006

uhmmmm.. panu ko ito sisimulan??? ang dami nangyari sa araw na ito(jan25.2006)…  as in madami!!! ito na ata ang pinaka masayang malas ko sa loob ng 24 hours..

12:45am…..

      malas… hindi ko mahanap yung "dip switch" ko pra sa logic circuit na subject, hinihiram ksi yun ni lalay….

5:00am….

     masaya… nagtext si akire(greet me gud mawnin), ewan ko ba… basta excited ako at natutuwa pag nagtext ang girl na ito, palagi ksi nagbibigay ng kaba ang mga text nito..

8:00am….

   malas…. sabi pa naman ni erika na "ui, it is raining.. it’s a blessing".. at yun din inisip ko.. pero malas ata.. ksi dis day nka-formal attire ako, at pupunta ng pldt-mandaluyong branch after ng klas ko ng 8-9am.. ksi kukunin ko yung id ko for ojt.. pero lakas ng ulan.. waaahh at nasira pa payong ko papuntang skul.. at maski umuulan tagaktak ang pawis ko. at dahil umuulan traffic, at late ako.. grrrr..

9:30….

  masaya(masayang…masaya)…..

   sinamahan ako ni lalay pumuntang pldt-madaluyong, ala naman ksi syang class.. yahoo!!!!!

10:30…

  masayang malas…

         mali ang lugar na binabaan namin, kung kaya’t nag lakad kmi ng mahaba.. pero ok lng adventure ito, at kasama ko naman si lalay.. maski tagaktak na pawis ko… pagdating sa pldt.. sabi ng guard smin.. mmya pang 1pm ang processing ng mga ojt-id’s!!! malas.. dahil dapat mkabalik kmi agad ng AMA dahil may pasok ako ng 12pm, at first quiz namin iyonsa subject na talagang pinag aksayahan ko ng panahon ang pag-review( si lalay naman 2pm pa ang pasok)…. grrrrr.. pero ok lng masaya ako wehh…

11:30pm…

  malas….. ito na ang pinaka malas sa lahat.. dahil medyo maaga pa pra intayin ang 1pm pra sa id’s.. bumalik kmi sa crossing pra kumain… lulan kmi ng isang tricycle… pagkababa..

ynoh: manong magkano po?

t.driver: 24 lng..

ynoh:(habang kumukuha ng mga 5pisong barya sa coin pars) ito po manong salamat…

makalipas ang ilang hakbang, sabihin nating mga 55 steps…

ynoh: lalay… syete.. wala yung cellphone ko sa bulsa ko!!!??

lalay: weeehhh.. ynoh.. inde nga?!?!? bka nsa bag mo, anung cellphone??!!

ynoh: wala nga, at sa bulsa ko lng yun…yung dalawa!!! (3100, 6510)

(papasok na kmi ng mall)

lalay:balikan kaya natin… ynoh naman ehh… tawagan mo nga sa phone ko..

ynoh: nag riring pa!!! sana sagutin.. bka sakaling mabalik..

(paulit ulit naming tinawagan hanggang sa nag busy..)

hay malas noh… hehehe, pero mas malungkot sa akin si lalay, sana daw nilagay ko nlng sa bag nya, or sa bag ko… at pinagalitan pko, bat ko daw ksi dun nilalagay… kya yun muk-mok kmi, hanggang sa kumain kmi sa mcdo ng walang gana…

12:30..

ewan ewan ewan.. tpos na kmi kumain, at kailangan ng bumalik ni lalay sa skul, dahil may class sya ng 2pm.. ako naman babalik sa pldt pra kunin ang hinayupak na id… kapalit ng masayang malas na adventure sa araw na ito..hinatid ko sya mrt dahil mas mabilis ang biyahe.. nakuha ko rin ang id ng mga 2.. tpos balik na ako ng skul..

3:00pm…

      pagkadating ko sa skul… para akong artista, si lalay ksi, ipinagsabi kaagad sa mga kakilala ko ang katangahang nangyari sa amin,, este sa akin lng pla.. pero para sa akin ala nrin ako magagawa ganun lng tlga siguro.. birthday pla ni jayde sa malas na masayang araw na ito sa buhay ko.. may libreng merienda.. spaghetti/lumpia/biko… sarap… ty jaydee.. happy beerday!!!

yan ang mga nangyari sa araw ko ngayon…. hahaha..anu diba MALAS na MASAYA!!!… medyo lungkot dahil nawala ang dalawang cellphone ko.. pero sobra ang tuwa ko sa araw na ito.. basta.. tuwang inde mapapalitangng kung anung bagay sa mundo… thanyou God for dis experience… hehehe…salamat nrin kay lalay…. till next adventure….

nameless entry…. (no title yet)

Thursday, January 19th, 2006

Nakaka-aliw naman… hehehehe, wala ksi ako magawa kanina bago mag online. Naiisip ko, browse nlng ang PC para burahin ang mga files na hinde na kailangan…

nang biglang… (ms-word document/filename/hay wewo….)

ito yung letter ko pra kay wewo,..itago nlng natin yung name para safe.. nyways it doesn’t bother me anymore… natatawa nlng ako sa mga nakalagay sa sulat..

ito mga selected parts of the letter, which really makes me laugh now..

I still remember, magKataBi keo ni Junie sa haraPan namin ni Bryan.. naHulog yUng bag mo (red-backpack) nakasabit ksi yun sa likod ng upuan, syempre ako nsa liKod mo, piNuLoT ko..  sabi ko pa nga nUn habang inaabot ko seo with a smile on my face: “MiSs, yunG bAg nyO po naHulOg” at sabi mo kasabay ng mataray na bOses at MUkha;  “thank you” sabAy lingon ulit kay Junie, nag usap at nag tawanan… buMulong Tuloy ako sa sarili ko… “ mahirAp ata maging kaIbigan yUn, ang taraY!!”… gusto ko ksi magkaroon nang madaming kaiBigan.. so I let time pass by, bka sakaling maging kaibigan din kita…

·        O diba dramatic entourage… nyahahaha

alam ko at nalalaman ko ang mga tunay mong nararamdaman sa mga pangyayari sa buhay mo. Emotions to be more specific..alam ko kung nasasaktan ka, kung natutuwa at nalulungkot ka…. At bilang isang tunay na Kaibigan, ayaw ko na nakikita kitang malunkgot at nasasaktan…

·        Ganyan naman tlga ako sa isang tunay na kaibigan.. nyahahaha

bigla rin ako naghina ng malaman ko na may nanliligaw at nagkakagusto seo.. si rad! At dun ko lalo napatunayan na mhal at gusto kita, dahil inde lng ako nasasaktan pag nasasaktan ka, nakukuha ko na ring mag-SELOS…

   

·        Awww… great word construction… nyahahaha

hanggang ngayon umiiyak prin ako, inde ko ksi matanggap ang pangyayari.. nwalan na ako ng minamahal higit pa sa kaibigan at nawalan pa ako ng kaibigan…. Nanay, sobrang na-mimiss na kita… yung tawa mo pag kaharap ako, yung time na hinihilot mo kamay ko, yung iyak mo pag nasasaktan ka!!!! I miss you so much.. yung ulo mong sumasandal sa balikat ko pag nalulungkot ka… yung pag hawak ko sa buhok mo, pag pisil ko sa ilong mo…yung hawak ko sa mga kamay mo….. sobrang NA-MIMISS na kita…. Yung mga kilitiaan ntin.. at lahat-lahat ng sa isyo na-mimiss ko… NANAY,WEWO I am longing for you… I need you back!!! Please do return… inde ksi tumutigil luha ko eh….

·        Ito na ba ang tinatawag na climax point?? nyahahaha

Oppppsssss…… tama na, hehehe… nag-eenjoy nrin ata keo… o diba ang drama!!!

ganun lng siguro tlga iyon noh, may mga bagay sa buhay natin na kla ntin yun na pinakamahirap na daraanan ntin. O pinaka masakit… Pero kung titingnan, hindi pa pla… at katutuwaan nlng natin ang mga pangyayari..

May pagka-bitter ba post ko??? For me this is not bitterness, just want to share how I felt as I read the letter again… promis..  till next posting….

Still hoping that something good will happen .?!?!.

Friday, January 13th, 2006

Ang lupet ng title noh…. Pero yan tlga ang iniisip at pilit sinasabi ng puso..at gusto mangyari..

  may pagkakataon pa kayang maging kami?!?!?

Almost a year na… ay may isang taon na nga!!! ang bilis ng panahon parang kelan lng naramdaman ang sakit, ang pag-luha, ang hindi pagtulog ng maayos, ang pag pasok sa isipan mo ng mga pangyayaring may kinalaman sa inyong dalawa..

pero syempre katulad ng normal na nangyayari. eh, we tend to move-on.. kasama naman tlga sa buhay ang mga failures ehh.. dyan teo natututo kung anu pa ang dapat nting gawin at mga bagay na dapat isa-alang-alang..(naks, lalim ng tagalog!). move-on?? move-on??.. nka moved-on na ako!!!!! Oo, sa palagay ko naman tlga ay OO… nakuha ko na ksing bumalik sa normal na buhay ko.. Ang mag-patawa araw-araw, ang ngumiti, ang pasalamatan ang mga taong tumulong masiphayo ang kalungkutan.. at syempre sa lahat ang mang-ligaw na mag-muli, at syempre ang mabasted na mag-muli.(hehehe..sa panahong ito pumapasok ang entry ko sa baba; entitled: second chances. pero hindi para sknya ang entry ko na ito, siguro tlgang mali lng ang mga nangyari, at again I nid to learn from my failures, for the second time… ksi grand-slam na ako sa susunod!!) ayun. Ang equation ay; Nasaktan, umiyak, nag-isip, nagmuni-muni…. At syempre ang equivalent ng equation ay… equals to… MOVED-ON….

Dumaan ang maraming araw, as in marami…lumipas na nga ang isang taon, katulad ng nasasaad sa itaas.. marami ng nakikilalang bagong kaibigan, kabarkada, kaaway at syempre mga crush-crushan.. pero bakit ganun, pag nakikita mo ulit sya, at nakakasama… talagang iba ang nararamdaman mo, at ang tibok ng puso ay iba.(hindi po ako highblood, tlgang iba lng ang tibok.) Oo, alam ko taken sya!!! At sila prin nung tao na mas pinili nya kaysa sa isang katulad ko…sa haba ng isang taon, nasasaktan prin ba ako dahil sa mga nangyari

noon

? maksi nagawa ko ng manligaw sa iba, ay nagagawa ko pa ring masaktan?? Kakaiba noh… anu ito “infatuation lng” katulad ng sinasabi na vanjoseph??

Ewan ewan ewan…. Ito na naman ang awit ng panahon…mukhang inde natututo ang isang tao na nasaktan na

noon

… do I expect something good will happen?!?! Iba nnman ang nararamdaman at mind-set ko towards her.. I know, It is hard to expect something to happen whether it is good or bad.. pero bakit ganun!!!! Waaaahhhhh…. Ewan ewan ewan…

Pero sa palagay ko.. I can manage it this time… hayaan ko lng ang ganitong set-up.. ang maging masaya kasama sya.. at hayaan si God sa mga

plano

nya ukol sa aking buhay pag-ibig.. nyahahaha… katulad nlng sa isang songline… COME WHAT MAY…. Hayyy..