asaran.. asaran..
Tuesday, May 16th, 2006…ASARAN…
(itong pag-uusap ay pawang asaran lamang)
Ranice: O, baket ganyan ka kung makatingin sa akin..
Liande: wala lng, masama ka bang titigan?
Ranice: kasi aminin mo. Maganda ako at gusto mo ako!
Liande: ikaw lang naman tlga ang tinitibok ng puso ko.. haha.
Ranice: eh, kung sino sino pa kasi ang mga nilalandi mo.. hmmp.. haha.
Liande: seselos ka na nyan?.. hinde pa nga kita GF, gumaganyan kana.. hehe
(hinawakan ni liande kamay ni ranice)
Ranice: oh.. anu naman ibig sabihin nyan?! Aber..
Liande: tinitingnan ko lng kung bagay ang mga kamay natin mag holding hands..
Ranice: oh.. may ganun pa pala yun.. anu bagay ba?? Hihi..
Liande: medyo magaspang kamay mo, pero pwede na!! haha..
Ranice: ang yabang mo naman sa akin mister!!! Nyahahaha..
(magkahawak pa rin sila ng kamay.. mushy..)
***
Sa ganitong pangyayari.. parang gusto ko na lang maging “asaran” ang setting ng buhay. Ito kasi ang time kung saan, maski papano kinikilig ka sa mga nangyayari, at nakukuha mo tumawa.. yung hinde seryoso pero sa iyong sarili nararamdaman mo yung bigat ng bawat salitang nabibitiwan… ika nga eh, “may laman”… at pag may nakikita kang ibang bagay na inde na sa iyo pabor, ay magaan mo itong matatanggap dahil, alam mo sa sarili mo na ito ay isang asaran lamang..
Kung baket kasi minsan pag tayo’y nagiging seryoso sa mga ganitong bagay. May mga ganitong pangyayari;
hiyaan….. ilangan….. at mga tahimik na sandali sa piling ng bawat isa…
hindi mo na makuhang makipagbiruan pa, o ngumiti tuwing kaharap sya… parang may lamat na ang dating ninyong samahan..
nakukuha nyo ba ang gusto ko ipahiwatig??? Wala lang… gusto ko lng mag post..